Feature

📣 Miscellaneous FREEBIES 🔥

Hey there! Through the years I've designed some FREEBIES for papemelroti that I know you will all enjoy.  Here are some links that I have compiled. see FREEBIE see  FREEBIE see  FREEBIE see  FREEBIE see  FREEBIE see  FREEBIE

The Family in a Plastic Bubble

Isang napakagandang bagay na natutunan ko dito sa Japan na tungkol sa mga Pilipino ay na tayo ay napakamapagmahal.


Ang isa kong kaibigan Haponesa ay nag-kwento sa akin tungkol sa isang taong "hikikumori".  Ang taong ganito sa Japan ay ayaw lumabas ng bahay.  Dahil na-addict sa computer, lalo na sa games, ang kanyang kalusugan ay nawala.  Ang pag-iisip niya ay nawala.  Dahil di na niya nararamdaman ang araw, namuhay siya sa kadiliman.



Ngunit naisipan niya na pumunta sa Pilipinas.  Dito ay namuhay siya sa mga mahihirap.  Nung una, siya ay takot na mamuhay doon.  Pero nakilala niya ang mga tao at kabutihang puso ng bawa't isa.  



Isang araw ay nagkasakit siya!  Alam niyo ba ang nangyari sa kanya?  Lahat ng mga tao sa slum area ay nagbigay ng kung ano ang meron sila at pinakain ang Hapones na ito hanggang sa kanyang paggaling!  Pagkaraan nong pangyayari na yon, bumalik na siya sa Japan.



Sa Japan, siya ay gumawa ng isang samahan ng mga Volunteers na kung saan ay tumutulong sa mga may kondisyong tinatawag na Hikikomori.  Di ba't napakaganda ng kwento?



Bakit ang mga Hapones ay natututo sa mga mahihirap pero ang iba sa atin ay ayaw silang kaibiganin?



Ang pinaka-importanteng buhay ko ay kasama ang mga bata ng He Cares Mission hindi dahil mabait ako or magaling po ako (kasi hindi po yon totoo) ngunit dahil sila ang imahen ng Holy Family.  Kapag mayroon na sila ng kahit konti at buo ang pamilya nila, masaya na sila.



Gusto ko yung buhay nila.  Ang dami kong natutunan sa kanila.  Dito sa Japan, sila ang maraming nadadala sa Diyos.  Hindi po ang mayayaman.  Sila ang pumupunta sa mga malalayong lugar na ang marami sa atin ay ayaw pumunta.



Sila ang kumakayod para sa ating pang-araw-araw na gulay at ang mga patapon ay binibigay sa kanilang mga anak habang ang "BEST" nito ay ipinapada sa mga tahanan ninyo.



Taun-taon ay ganito ang pamumuhay nila pero bakit po mas malaganap ang Covid sa mga mayayaman at sa napaka-maraming pagkain?



Sa probinsiya ay namumuhay sila ng matiwasay, maluwag, ma-araw at napapalibutan ng mga puno, prutas, dagat, isda at walang mahirap. Doon namumuhay ang mga pinakamatalinong mga dayuhan dahil doon ang BEST LIFE EVER nila.



Kayo, gusto niyo pa rin bang bumili ng gadget? ng computer? ng latest na cellphone?  



Ako gusto kong mamuhay ng pinaka-malinis, pinaka-simple, pinaka-masaya na buhay kasama ang aking pinakamamahal.  Yun lang po ay HEAVEN on EARTH na po sa akin.  



Kung gusto niyo din ang buhay nila at 'di na mabuhay tulad ng "boy in the plastic bubble".  Ang aking rekomendasyon sa bawa't pamilya ay mag-pray tayo kay Lord bawa't araw, ialay po natin ang bawa't pamilya kay Jesus nang sa gayon ay protektado tayo 'di lamang sa sakit, kundi na rin sa lahat ng mga pag-aaway, "stress" at sa paghiwalayan.



Memorare to Saint Joseph


Remember, O most chaste spouse of the Virgin Mary, that never has it been known that anyone who asked for your help and sought your intercession was left unaided. Full of confidence in your power, I hasten to you, and beg your protection. Listen, O foster-father of the Redeemer, to my humble prayer, and in your goodness hear and answer me. Amen.








P.S. Let us say a prayer to Saint Corona today as it is her feast day.  She is patron saint of epidemics.

Comments

posts you might like

Show more